Thursday, April 30, 2026

Kontratistang si Curlee Discaya, walang malalang karamdaman

Nilinaw ng Senado na walang malalang karamdaman ang contractor na si Curlee Discaya matapos na dalhin kahapon sa ospital.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson, pinagbigyan ang request ni Discaya na makapagpa-check up kahapon dahil sa iniindang sakit sa balikat.

Sumailalim si Curlee sa MRI procedure dahil sa kanyang frozen shoulder.

Pinayagan naman aniya ito ng Senado dahil outpatient lang naman.

Agad din namang nakabalik sa kanyang detensyon sa Mataas na Kapulungan si Discaya.

Matatandaang si Curlee at ang misis nitong si Sara Discaya ay humarap noon sa pagdinig sa Senado at nagpangalan sa mga kongresista kabilang sina dating Cong. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez na humingi umano ng 25% kickback sa flood control projects.

Facebook Comments