Aabot sa 10,500 nurses at health care workers ang posibleng payagan nang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, kasama ito sa 4,000 hanggang 6,500 health care workers na target ipa-deploy ng ahensya sa ibang bansa.
Nitong Hulyo, aabot sa 5,000 nursing graduates ang nakapasa sa licensure examination kung saan nasa 12,300 ang nag-apply.
Sa ngayon, nagpasa na ng rekomendasyon ang DOLE sa Inter-Agency Task Force (IATF) para payagan nang makalabas ng bansa ang mas maraming health care workers matapos ang ginawang konsultasyon nito sa Philippine Nurses Association (PNA), Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Facebook Comments