45 suppliers sa pagbili ng pandemic supplies nitong 2020, iniimbestigahan na ng BIR

Iniimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 45 suppliers na kumuha ng P42 billion kontrata mula sa gobyerno para sa pagbili ng pandemic supplies nitong 2020.

Ayon kay Senator Sonny Angara, kailangang malaman kung nakakapagbayad ang mga ito ng buwis sa mga transaksyon.

Mismong ang revenue district offices ang nag-iimbestiga alinsunod sa memorandum na ipinalabas ng BIR nitong September.


Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, paulit-ulit na kinukwestiyon ng mga senador ang P42 billion na-transfer ng Department of Health (DOH) sa Procurement Service of the Department of Budget (PS-DBM) dahil sa maanomalyang transaksyon.

Facebook Comments