
Cauayan City – Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang Barangay Business Locator, isang sistemang idinisenyo upang mapadali ang pagrerehistro at pagsubaybay ng mga negosyo sa antas ng barangay.
Sa isinagawang oryentasyon, ipinakilala ng mga local programmer ang bagong sistema sa mga barangay secretary mula sa 65 barangay ng lungsod at ipinaliwanag ang wastong paggamit nito upang mapabilis ang proseso, mapabuti ang pangangalap ng datos, at higit na mapalakas ang serbisyong pampubliko.
Dumalo sa aktibidad ang kabuuang 55 kalahok, kung saan 44 ay kababaihan at 11 naman ay kalalakihan.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na makatutulong ang nasabing inisyatiba sa mas episyenteng pamamahala ng mga negosyo at sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










