106 na volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Bulusan ayon sa PHIVOLCS

Matapos ang muling pagputok ng Bulkang Bulusan kahapon, nakapagtala na ito ng 106 na volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kabilang na rito ang naramdamang 48 volcanic tremors na tumagal ng 20 minuto.

Nakitaan din ng pagbuga ng usok na abot sa 500 metro ang taas bago ipinadpad sa kanluran-hilagang kanluran.


Base sa ulat, umabot sa 4,627 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kahapon.

Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinagbabawal sa lahat ng aircraft ang pagdaan malapit sa tuktok ng bulkan.

Facebook Comments