Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 107 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Batay sa pinakahuling impormasyon na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, August 13, 2021, mayroon ng 978 na total active cases ang probinsya matapos madagdagan ng 107 na bagong kaso.
Nakapagtala din ngayong araw ng 102 na bagong gumaling sa nasabing sakit at isa (1) na namatay sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 29,741 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya na kung saan nasa 27,858 na rito ang idineklarang “fully recovered” samantalang mayroon namang naitala na 905 na COVID-19 related deaths.
Kaugnay nito, nangunguna sa Lalawigan ng Isabela ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na umaabot sa 178 na sinusundan ng bayan ng Tumauini.