108 na mga indibidwal sa Pasig na lumabag sa curfew hour, pinagdadampot ng mga pulis

Umabot ng 108 na mga indibidwal ng Pasig City ang hinuli ng mga pulis dahil naabutan pagala-gala sa kalsada kahit umiiral na ang curfew hour.

Ayon Police Brigadier General (P/BGen) Johnson Almazan, Eastern Police District Director, dinala ang nasabing 108 na mga indibidwal sa Damayan Multipurpose Hall, Barangay Pinagbuhatan, Pasig upang kausapin at ipaliwanag kung bakit may curfew hour.

Isinabay na rin anya ang Pag lectured tingkol the Republic Act 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” at ang Presidential Proclamation No. 922.


Binalaan din niya ang mga lumabag sa curfew hours na kung sakaling mahuli sila ulit maaari na silang mahara sa kaso.

Anya ang kanilang mga pangalan ay nasa data base na ng Pasig City na listahan ng mga lumabag sa curfew ordinance.

Dagdag ni Almazan na ang mga nahuli ay ang operasyon ng pasig City Police mula kagabi ng alas-otso hanggang alas-singko kaninang umaga.

Facebook Comments