Pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao ang naturang aktibidad na may temang “Let us unite, uphold and support Bangsamoro Basic Law 2017 towards Winning Just and Dignified, Peace and Development’’ katuwang ang 109th Base Command ng Moro Islamic liberation Front (MILF).
Ipinakita ni Datu Paglas Mayor Abubakar P. Paglas sa kanyang presentasyon ang case study na “Understanding violent extremism in Mindanao”.
Sinabi n’ya sa mga magulang na dumalo sa aktibidad na kailangang matyagan nila ang mga kabataang local terrorist na patuloy na nag-re-recruit ng kabataan para maging miyembro nila kapalit ng salapi.
Ayon kay Mayor Paglas na nangre-recruit ang mga kabataang local terrorist ng mga tulad nilang kabataan, mahirap at walang pinag-aralan na kadalasan ay anak at kamag-anak ng Moro National Liberation Front (MNLF) at MILF fighters na nasawi dahil sa kaguluhan.
Tinalakay naman ni Esmael A. Abdula, BLMI Steering Committee member, pangulo ng Kalilintad Peacebuilding Institute Inc.(KPI) ang updates sa GPH-MILF Peace Process at ang estado ng draft BBL 2017.
Anya, ang problema ng mamamayang Moro ay nakakuha ng simpatya at suporta mula sa international community matapos na malagdaan ang dalawang major political documents, ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF. (DAISY MANGOD-REMOGAT)
109th Base Command ng BIAF-MILF at lokal na pamahalaan ng Datu Paglas, nagsagawa ng Peace Advocacy!
Facebook Comments