11.11 million na mga batang 0-4 years old, target mabakunahan hanggang sa katapusan ng Hunyo

Target ng gobyerno na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 11.11 million na mga batang 0 hanggang 4 years old hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayon pa lamang ay gumagawa na sila ng contingencies para maka-secure ng suplay ng bakuna para sa nasabing age group.

Oras na lumabas na ang Emergency Use Authorization (EUA) ng bakuna para sa mga batang 0-4 anyos ay posibleng masimulan na rin ang pagtuturok sa kanila sa Abril.


Una nang sinabi ni Galvez na sisikapin nilang makakumpleto sa bakuna ang nasa 90 milyong Pilipino.

Bagama’t may 100 million doses pa ng COVID-19 vaccine sa bansa ay bibili pa ang gobyerno ng 26 million doses para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Sa Pebrero naman inaasahang masisimulan ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11-years old.

Facebook Comments