11.2 milyong mga Pilipino, nakakumpleto na ng bakuna – Galvez

Umabot na sa mahigt 11.2 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto na ng bakuna o yung mga fully vaccinated.

Sa press conference kahapon kasabay ng pagdating ng mahigit 300,000 doses ng bakuna ng Moderna, sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na 15.88 percent ito ng tinatarget na populasyon at 10.13% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Kabilang ang mga edad 18-anyos pataas sa mga target na populasyon.


Umabot naman sa mahigit 13 milyong mga Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang unang doses ng bakuna.

Sa ngayon, as of August 5, nasa 24,174,821 na ang naiturok na bakuna sa buong bansa.

Facebook Comments