Pagkakaisa sa gitna ng epekto ng COVID-19, hangad ni Pangulong Duterte

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mangingibabaw ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kasabay ng nalalapit na dalawang taon ng paglaban sa buong mundo sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Sa pahayag ng Pangulo kasabay ng ika-54 anibersaryo ng ASEAN, sinabi nito na umaasa siyang magpapatuloy ang presenya ng ASEAN sa anumang pagsubok ng rehiyon sa pademya maging ang pangako nito kaugnay sa pananatili ng kapayapaan, kalayaan at kaunlaran.

Kasabay nito, hinimok naman ng Pangulo ang mga miyembro ng ASEAN na manatiling nagkakaisa sa gitna ng pandemya.


Ilan sa mga bansang kabilang sa ASEAN ay ang; Cambodia, Brunei Darussalam, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Facebook Comments