Manila, Philippines – Nakaambang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang dagdag na kontribusyon
Ayon kay SSS AVP for Media Louie Sebastian, mula sa 11% ay plano nilang gawing 11.3% ang monthly contribution.
Hiling din ng SSS na klaruhin ng Kongreso kung saan manggagaling ang pondo para sa panuklang 100 days maternity leave.
Sa kasalukuyang batas, 60 araw ang pinapayagang maternity leave habang 78 araw naman kapag caesarian.
Batid naman ng SSS na magiging mabigat ito para sa publiko ngunit na mas mainam aniya na tingnan ito bilang oportunidad.
Noong nakaraang taon, nasa 6.1 billion pesos ang inilabas na pera ng ahensya para sa maternity benefits.
Facebook Comments