Ayon sa DOH, simula pa noong May 29, 2022 ay walang naitalang malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Kaugnay nito, 13.49% ng 1,438 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan din ginagamit.
Samantala, mahigit 2,482,727 indibidwal o 82.56% ng target population ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 455,108 na indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabilang banda, 79.65% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula May 15 hanggang May 22, labinlima (15) na bagong kaso ang naitala sa rehiyon kung saan ang average daily attack rate kada linggo ay nasa 2, mas mababa ng 54% kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 9-15.
Nakapagtala naman ng dalawang (2) COVID-19 related deaths.
Mahigpit pa rin na paalala sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocols para makaiwas sa banta ng COVID-19.