Friday, January 23, 2026

11 abandonadong sako na naglalaman ng marijuana, nadiskubre sa Kalinga

Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mga inabandonang sako na naglalaman ng marijuana sa liblib na lugar sa Sitio Tangilig, Brgy. Upper Bangad, Tinglayan, Kalinga.

Mula sa impormasyong nakuha ng pulisya, agad nilang pinuntahan ang lugar kung saan nadiskubre nila ang 11 sako na naglalaman ng 217 marijuana bricks na may tinatayang timbang din na 217 kilograms.

Kung saan naman ang nasabing ilegal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 26 na milyong piso.

Ayon sa pulisya, posibleng inabandona ito ng mga suspek para makaiwas sa pagkatuklas ng kanilang shipment.

Kaugnay nito, pinaiigting na ng PNP ang imbestigasyon at intelligence activities nito para malaman at matrack na ang responsable ,kasama na ang posibleng drug network operation sa rehiyon at karatig lugar.

Facebook Comments