11-anyos na bata, inatake ng buwaya sa Balabac, Palawan

Sugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos na atakihin ng buwaya sa Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Balabac, Palawan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni MIMAROPA PNP Spokesperson Police Supt. Socrates Fataldo ang biktima na si Akirin Baracbac Kutak, residente ng Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Balabac, Palawan.

Sa imbestigasyon ng PNP, sinasagwan ng biktima ang kanilang maliit na bangka kasama ang kanyang ate na si Delsa Baracbac Kutak, 16 anyos, pauwi sa kanilang bahay mula sa pangunguha ng seeweeds nang biglang lumitaw ang buwaya.


Sa paglitaw nito, dinakma ang braso ng biktima na may hawak na sagwan, mabuti na lamang at hindi siya nahila ng buwaya mula sa kanilang maliit na bangka kaya nagmamadali sumagwan paalis sa lugar.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang kanang braso na ngayon at patuloy na nagpapaggaling.

Facebook Comments