Antas ng tubig sa Angat dam, muling bumaba sa 190-meter level

Bumaba muli sa 190-meter ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Sa monitoring ng PAGASA Hydrology Division, naitala sa 190.90 meters ang antas ng tubig Angat dam kaninang alas 6:00 ng umaga.

Ito ay kung ikukumpara sa 191.20 meters na naitala kahapon.


Nabawasan din ang water level sa Ipo dam at La Mesa dam na ngayon ay nasa 100.96 meters at 78.52 meters.

Ang antas naman ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, at Pantabangan ay pawang nadagdagan.

Nabawasan din ang water level sa Magat at Caliraya.

Facebook Comments