11-anyos, patay sa bugbog ng 2 oso sa mini zoo

296

Sa kagustuhang makapagpa-picture, nasawi ang isang 11-anyos na lalaki matapos pagtulungang gulpihin ng dalawang oso sa mini zoo sa isang resort sa Sochi, Russia.


Tinangkang lumapit ng biktimang si Nikita sa mga hayop, para umano magpakitang gilas sa dalawang batang babaeng kasabay na naglilibot sa zoo, ayon sa ulat ng Daily Mail.

Pumasok ang bata sa kulungan na bumabakod sa hiwalay pang bahay ng mga oso, at tinapik pa raw nito ang paa ng mga hayop upang magpabilib.

Ngunit hinatak umano ng dalawang oso ang paslit papasok sa kanilang hawla mula sa hukay na konektado sa mas malaking kulungan, saka “pinaglaruan” ang biktima.

Dumating ang mga tauhan ng zoo at binaril ang dalawang hayop, ngunit binawian na ng buhay ang bata.

“They were tossing him around like a ball. He was all broken,” salaysay ng isang residente sa media.

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung may kapabayaan sa parte ng may-ari ng zoo.




Facebook Comments