LRT Roosevelt Station, apat na buwang isasara para bigyang daan ang konstruksyon ang Common Station

42

Isasara ng apat na buwan ang ang LRT Line 1 Roosevelt Station sa EDSA Quezon City

Sa advisory ng Light Rail Management Corporation, layon nito na bigyang daan ang full blast construction ng magiging Common Station na magdurugtong sa MRT 3, MRT 7 at LRT Line 1.


Magsisimulang isara sa publiko ang Roosevelt Station mula September 5 hanggang December 28, 2020.

Dahil dito, ang magiging biyahe na lamang ng LRT Line 1 ay mula Baclaran Station sa Pasay City hanggang Monumento Station sa Caloocan at vice versa.

Puntirya ng Department of Transportation (DOTr) na tapusin ang Common Station ngayong Disyembre upang magsimula ang partial operation ng MRT-7 sa pagpasok ng 2021.

Ang MRT 7 ay magdurugtong sa North Avenue Quezon City patungong San Jose Del Monte, Bulacan.




Facebook Comments