Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang labing-isang barangay sa City of Ilagan bilang ‘drug cleared’ matapos maipasa ang masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee ng ahensya.
Kinabibilangan ito ng mga barangay Cabisera 3, Aggasian, Centro San Antonio, Cabisera 2, Bangag, Cabanungan 1st, Bigao, Arusip, Batong labang, Cabisera 14-16 at San Felipe.
Personal na nasaksihan ni City Mayor Jay Diaz ang paggawad ng sertipikasyon sa mga kapitan ng barangay bilang ‘drug cleared’.
Sa isang pahayag, sinabi ni Diaz na katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga barangay para maiwasan na ang pagkakaroon ng presensya ng droga.
Hinimok naman ng PNP ang komunidad na makipagtulungan sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.