Cauayan City, Isabela- Nasa critical risk classification ang 11 bayan sa Lambak ng Cagayan.
Ang mga bayan na nasa ‘critical risk’ ay ang Alcala, Lasam, Rizal, at Sta. Teresita sa Lalawigan ng Cagayan; Cabagan, Delfin Albano, Roxas, Sta. Maria, San Isidro, at Quezon sa Lalawigan ng Isabela habang nasa critical risk na rin ngayon ang bayan Diffun sa Quirino province.
Base sa pinakahuling datos ng DOH Region 2 nitong ika-20 ng Agosto, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Angelica Taloma ng DOH Region 2, ang mga nabanggit na bayan, ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.
Pero, hindi naman ibig sabihin nito na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon dahil nananatili pa rin ang Tuguegarao City sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso sa buong rehiyon.