Abot sa 11 miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang namatay sa halos magdamagang pagpapaulan ng mortar at rocket assault na isinagawa ng militar sa Maguindanao. Ayon sa Tactical Command Post ng 601st Brigade, mahigit sa 50 miembro ng BIFF ang sumalakay sa Kato Detachment ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army at CAGFU sa Mount Firis sa hangganan ng mga bayan ng Datu Hofer, Datu Unsay at Datu Saudi sa Maguindanao.
Dahil dito ay rumesponde ang dalawang Agusta 109 helicopter gunship ng Philippine Air Force at binomba ang kinaroroonan ng mga amado na pinangungunahan ni Kumander Bungos.
Nagpakawala rin ng mga bala ng 105mm howitzers cannon and artillery battalion ng Philippine Army sa posisyon ng BIFF.
Natigil ang putukan alas dos ng madaling araw kahapon ng umatras ang BIFF.
Sa ngayon ay mahigit 300 pamilya mula sa katutubong Teduray ang lumikas sa Mount Firis dahil sa kaguluhan .(Amer Sinsuat)
11 BIFF patay sa miltary assault sa Maguindanao
Facebook Comments