11 bodega na hindi rehistrado, sinalakay ng BIR at DOF

137

Ikinandado ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue at Deparment of Finance ang 11 warehouse sa Tabang, Guiguinto, Bulacan dahil hindi rehistrado at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Pinangunahan mismo nina BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa at DOF Asec. Tony Lambino ang isinagawang raid.


Ilan sa mga warehouses ay may lamang unregistered Chinese products.

Isa sa pinasok na bodega ay nadiskubreng may saku-sakong bigas na imported sa Vietnam.

Pinaskilan na ito ng closure order dahil sa kakulangangan ng mga isinumiteng dokumento.

Kasalukuyan pa ang iniimbentaryo ng mga produkto sa iba pang warehouse.

Facebook Comments

From Advertisers