Grupo ng gun for hire posible umano ayon sa pulisya

91

Matapos ang insedente ng pagkaka ambush kay dating Governor at Kongresista na si Amado Espino Jr noong September 11 ay tukoy na ang mga gunman nito na ang ilan ay galing umano sa Pangasinan.

Ayon kay PBGen. Joel Orduna na ang mga bumaril at nanambang kay Espino ay kabilang umano sa mataas na grupo ng gun for hire sa bansa.


Sa katunayan umano ay may posibilidad na may gun for hire din sa lalawigan matapos matukoy na ang ilan sa mga bumaril ay tubong Pangasinan.

Hindi umano nila inaalis ang posibilidad na ito na kung mahahanap kung sino ang nagpapatakbo nito ay malaki umanong kawalan sa mga grupo sa lalawigan.

Facebook Comments

From Advertisers