11 Chinese narescue sa nangyayaring illegal sex trade sa Parañaque City

211

Nailigtas ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU), District Intelligence Unit, SPD Women and Children Protection Desk at Paranaque City Police office ang 11 babaeng Chinese mula sa nangyayaring illegal drug trade sa Paranaque City.

 

Sa ulat ng Paranaque Police Station nakatanggap sila ng confidential report sa nagaganap na illegal sex trade sa loob ng isang hotel sa may Quirino Avenue Brgy Tambo Parañaque City.


 

Partikular sa 5th at 8th floor ng nasabing hotel kung saan isang Chinese na lalaki ang manager.

 

Kinilala itong si Ye Gui Cai na tumutuloy sa isang hotel sa Paranaque City na naaresto ng mga pulis na nagsagawa ng rescue operation.

 

Sa ngayon nasa DSWD na ang 11 narescue na Chinese at isinasailalim sa debriefing habang nahaharap naman sa kasong Anti-Trafficking in Person Act of 2012 ang naarestong suspek.

Facebook Comments