Nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) ang 11 coastal waters sa bansa.
Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga shellfish na makokolekta sa sumusunod na baybayin ay hindi ligtas kainin.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:
- Coastal waters ng Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan
- Sorsogon Bay sa Sorsogon
- Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
- Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental
- Coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, San Pedro, at Cambatutay Bays sa Western Samar
- Coastal waters ng Calubian, Leyte, Carigara Bay, at Cancabato Bay, sa Tacloban City, Leyte
- Coastal waters ng Biliran Island
- Coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
- Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental
- Lianga Bay at Coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Ang Ormoc Bay sa Leyte ay positibo sa red tide toxin.
Ang mga isda, pusit, hipon, alimango na mahahango mula sa mga nabanggit na lugar ay pwedeng kainin basta nahugasan nang maayos at natanggal ang mga internal organs tulad ng hasang at bituka bagong lutuin.
Facebook Comments