11 COVID-19 Checkpoints, Inilatag sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela*- Nasa labing isa (11) na COVID-19 Boundary Checkpoints ang itinalaga sa iba’t-ibang lugar sa Lalawigan ng Isabela upang magbantay at sumuri sa lahat ng mga bumabyahe papasok ng probinsya.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Atty Elizabeth Binag, Provincial Spokesperson ng COVID-19 sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Mayroon aniyang nakalatag na COVID-19 Checkpoints sa mga bayan ng Alicia, Aurora, Cabagan, Cauayan City, Benito Soliven, Burgos, Dinapigue, Quirino, San Mariano, Ilagan City, at San Isidro.


Sa naturang COVID Checkpoints ay binubuo ito ng mga staff ng RHU, DRMMC, BHW, Brgy Tanods, at mga pulis.

Ipinalala rin ni Atty. Binag ang direktiba ng ating Gobernador sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno, LGU’s at sa publiko na makipagtulungan at makiisa sa precautionary measures kontra COVID-19.

Facebook Comments