11 COVID-19 Positive nasa ‘Stable Condition’;1mula sa Aurora, Discharged na

Cauayan City, Isabela- Inihayag ni Medical Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center na nasa ‘stable condition’ ang 11 pasyente na positibo sa corona virus at nasa pangangalaga ng ospital.

Ayon kay Dr. Baggao, mild-symptoms lang naman ang kanilang nararanasan kung kaya’t patuloy na sinusuri ang kanilang kondisyon at matiyak na nabibigyan ng atensyong medikal ang mga ito.

Aniya, kinabibilangan ang 11 pasyente na nasa kanilang pangangalaga na mula sa City of Ilagan, Bayan ng Aurora, Baggao, Tabuk City at Sta. Ana.


Ipinagmalaki din ni Baggao na negatibo na sa resulta ng swab test ang isang 45-anyos na OFW mula sa Bayan ng Aurora.

Samantala, nananatili pa rin na nasa kanilang pangangalaga ang 15 covid-19 suspect na patuloy na inoobserbahan sa kanilang kondisyon.

Patuloy naman ang panawagan ng mga health authorities sa publiko na manatiling kalmado at sundin ang health protocol para makaiwas sa posibleng pagkahawa sa virus.

Facebook Comments