40 na pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa isang residential area sa QC

Apatnapung pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos sumiklab ang isang oras na sunog sa residential area sa number 34 Pajo Street Brgy. Quirino 2-A Quezon City.

Sa report ni Senior Fire Officer I Mary Ann Mostacisa ng Quezon City Fire Department, alas-10:37 ng umaga kanina nang magsimula ang sunog sa second floor ng bahay ni Allan Gelira.

Yari sa light materials ang gusali kaya’t mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang nasa 20 pang kabahayan.


Isang fire volunteer na nakilalang si Welvin Aquino ang nasugatan sa daliri sa gitna ng pag-apula sa sunog.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa limampung libong piso ang halaga ng ari-ariang natupok habang inaalam pa kung ano ang dahilan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma bago naapula sa higit kumulang isang oras.

Facebook Comments