11 dayuhang tinamaan ng Omicron subvariant, bumalik na sa kani-kanilang bansa

55

Nakauwi na sa kani-kanilang bansa ang 11 dayuhang turista na tinamaan ng Omicron subvariant na BA.2.12.1.

Ayon kay Dr. Dean Palanca, ng Incident Management team sa Puerto Princesa, umalis na ng bansa ang mga dayuhan noon pang unang linggo ng Mayo matapos gumaling sa virus.

Nabatid na nakaranas lamang ang mga ito ng mild symptoms ng nasabing sakit.


Samantala, nagnegatibo naman sa COVID-19 ang lahat ng close contacts ng mga pasyente.

Facebook Comments