P1.5 milyon na halaga ng Marijuana, Nahuli sa isang Magsasaka sa Isabela

26
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang High Value Target (HVT) na kabilang sa listahan ng PNP-PDEA Regional Priority Target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Arjee Villuan alyas “Takki”, 31-anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, inaresto ang suspek sa pagbebenta umano ng isang brick ng marijuana hashish sa isang operatiba ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang genuine 1,000 peso bill at siyam na piraso ng 1,000 peso bill boodle money na ginamit bilang buy-bust money; limang bricks ng marijuana hashish na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 milyon, at isang yunit ng improvised shotgun na may dalawang bala.

Nahaharap si Villuan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Republic Act 10591 and Omnibus Election Code.

Facebook Comments