11 estudyante, inabutang gumagamit ng shabu sa Makati

Makati City – Dinala sa presinto ang 11 mag-aaral na pawang menor de edad matapos maaktuhang gumagamit ng bawal na gamot sa Barangay Southside, Makati City.

Nasa edad, 14 at 17-anyos ang nabanggit na estudyante at halos sa kalati dito ay mga babae.

Ayon kay PO1 Manuel R. Gutierrez ng PCP 10, nagreklamo ang ilang residente dahil maingay ang mga bata.


Pinuntahan ito ng bantay bayan o barangay tanod at dito na nadiskubre ang mga estudyante na magkakasamang gumagamit ng shabu.

Nakita sa loob ng bahay ang pekete at kagamitan sa pagbatak ng bawal na gamot.

Tila huli na ang lahat dahil may nakitang 5 pekete na wala ng laman at ito ay pinaglagyan ng suspected shabu.

Dadalin sa DSWD ang nasabing estudyante habang pinatawag naman ang kanilang mga magulang.

Facebook Comments