Cauayan City, Isabela-Puspusan na ang ginagawang contract tracing at disinfection sa barangay Naguilian, City of Ilagan, Isabela.
Ayon kay Dr. Gilbert Narag, Schools Division Superintendent ng SDO Ilagan, sumamasailalim na sa mahigpit na monitoring sa quarantine facility ng lungsod ang 11 mga guro na nagpositibo sa virus at nasa maayos naman na kalagayan.
Dagdag pa ng opisyal, naglaan na sila ng pondo na gagamitin para sa mga pangangailangan ng mga guro na timaan ng virus.
Bagama’t tinamaan ng virus ang mga guro sa nasabing barangay kung saan naroon ang paaralan ay tiniyak ng opisyal na hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga bata dahil gumagamit sila ng mga modules upang gamiting paraan ng pagtuturo ngayon pandemya.
Nilinaw din ni Dr. Narag na hindi sa pagdidistribute ng mga modules nahawa ang mga guro kundi sa ordinaryong pakikisalamuha ng mga ito sa kanilang mga kabarangay na kalaunay mayroon kaso ng covid-19 sa pamamagitan ng local transmission.