Pinay tennis player na si Alex Eala, pasok na sa 2020 French Open Juniors Single Tournament Quarterfinals

27

Pasok na ang 15-year old Pinay tennis player na si Alex Eala sa quarterfinals ng 2020 French Open Juniors Singles Tournament.

Nasungkit ni Eala ang pwesto sa quarterfinals nang tapusin nito ang halos dalawang oras na laro laban kay Leyre Romero Gormaz ng Spain.

Samantala, nauna na itong gumawa ng ingay nang manalo ito sa 2020 Australian Open Girls’ Doubles kasama ang Indonesian partner na si Priska Nugroho.

Sa ngayon, nasa ika-apat na pwesto na sa buong mundo si Eala at nakatakdang makaharap ang manlalaro ng Czech Republic na si Linda Noskova.

Facebook Comments