11 katao, arestado sa isinagawang buy bust operation ng QCPD

Quezon City, Philippines – Arestado ang labing isang katao makaraang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng QCPD-station 1 sa Brgy. Apolonio sa Quezon City kagabi.

Sa paunang impormasyon, alas-8:00 kagabi nang madakip ang target ng operasyon na si Armando Bunag, kabilang ang dalawang pang babae.

Nakabili ng 300 pisong halaga ng shabu ang isang poseur buyer sa suspek kung saan nagkaroon pa ng habulaan makaraang makahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon nito.


Naabutan ang suspek sa isang bahay sa lugar kung saan tumambad sa mga awtoridad ang walo pang katao na naaktuhang nagpa-pot session.

Narecover mula sa mga ito ang labing isang plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy bust money.
DZXL558

Facebook Comments