Alden Richards, namahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral sa Laguna

Laguna, Philippines – Sinorpressa ng Pambansang Bae Alden Richards ang mga mag-aaral sa Pulong Elementary School Sa Sta. Rosa, Laguna.

Namahagi ng mga school supplies si Alden kasama ang fans club nito kung saan nabatid na edukasyon daw kasi ang pangunahing adbokasiya ng aktor.

Matapos naman ang naging teleserye nila ng kapartner na si Maine Mendoza, abangan daw ang mga susunod na project nila sa Kapuso Network.


Maging ang naka-line up din nilang pelikula ni Maine ay abangan din at umaasa din si Alden na masusundan ang kaniyang upsurge concert na talaga naman dinumog ng kaniyang mga fans.
DZXL558

Facebook Comments