11 Katao, Hinuli dahil sa Pagsuway sa Social Distancing!

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng otoridad ang labing isang katao na lulan ng isang Van dahil sa paglabag ng mga ito sa direktibang Social Distancing.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, Isabela, nahuli sa checkpoint sa Brgy. District 3 ang mga suspek na kinilalang sina Alfredo Granil, drayber ng sinakyang Van na may plakang VQ 4984, Justine Ramirez, Joshua Ramirez, Marlin Cabigas, Gilbert Domingo, Angie Malamag, Jay-ar Baccay, Joshua Bautista, Jomar Villioso, Banjo Espanta, at Marlin Delmundo, pawang mga nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.

Ayon kay PMaj. Gatan, galing ang mga ito sa Kalinga-Apayao at karamihan ay mga construction worker na hindi na umano pinagtrabaho ng kanilang amo.


Kaugnay nito, pinauwi rin ang mga nahuli subalit sila’y sasampahan pa rin ng kaukulang kaso na may kinalaman sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments