11 LSIs, Binabantayan ngayon ng mga otoridad sa isnag Barangay Hall

13

Cauayan City, Isabela- Inoobserbahan ngayon ng health authorities ang 11 Locally Stranded Individuals (LSIs) na kasalukuyang nasa quarantine facilities sa mismong barangay hall ng San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Kagawad Leonard Adam, nagmula ang nasabing bilang ng mga LSIs sa Batangas at Pasig na residente ng kanilang lugar.

Aniya, kontrolado ang sitwasyon sa kanilang barangay kung kaya’t wala naman dapat ipangamba ang publiko ukol dito.

Paalala naman ni Kag. Adam sa kanyang kabarangay na sundin ang mahigpit na pagpapatupad ng polisiya para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Sa ngayon ay nakaalerto ang kanilang pwersa para sa mabilis na pagtugon sa mga posibleng hindi inaasahang sitwasyon.

Facebook Comments