Miami Heat, pasok na sa Eastern Conference finals matapos talunin ang Milwaukee Bucks

Pasok na sa NBA Eastern Conference finals ang Miami Heat matapos talunin ang Milwaukee Bucks sa game 5 ng kanilang best-of-seven semifinals series sa score na 103-94.

Bumida sa Heat si Jimmy Butler sa kaniyang 17 points, 10 rebounds at six assists habang nagdagdag din ng 17 puntos si Goran Dragic.

Kinulang naman ang 23 puntos ni Khris Middleton para maipanalo ang Bucks.


Makakaharap ng Heat sa Eastern Conference finals ang mananalo sa pagitan ng Boston Celtics at defending champion na Toronto Raptors.

Facebook Comments