11 lugar sa bansa, nakakaranas pa rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nasa 11 mga lugar pa rin sa bansa ang nakararanas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, batay ito sa datos mula ika-30 ng Oktubre hanggang ika-5 ng Nobyembre.

Kabilang sa 11 lugar na nakararanas ng pagtaas ng kaso ay ang;


Tuguegarao City
Sta. Ana, Cagayan
Puntol
Apayao
Baguio City
Antipolo City
Puerto Princesa City
Lubang Island
Occidental Mindoro
Bacolod City
Dumaguete
Zamboanga
at Davao City.

Bahagya namang nako-kontrol ang hawaan ng sakit sa mga bayan ng Sta. Ana sa Cagayan.

Facebook Comments