Patuloy na pagkalap ng pamunuhunan at mas maraming trabaho sa bansa, tiniyak ng DTI

 

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na makaaasa ang bawat manggagawang Pilipino para sa mas maraming trabaho at oportunidad sa bansa.

Ito’y kasunod na rin ng pagdiriwang kahapon ng Labor day.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, patuloy ang kanilang pagkalap ng mas maraming pamumuhunan sa ating bansa dahil isa umanong sangkap ang mga nagtatrabaho rito para sa mas matatag na ekonomiya.


Aniya, ang dedikasyon at kasipagan ng mga Pinoy worker saan mang panig ng mundo ay maituturing na yaman ng Pilipinas sa kabila ng pagsisikap ng mga laborer.

Sa huli, sinabi ng ahensya na isa sila sa tutulong at bubuo ng mas maraming trabaho para sa mga Pinoy.

Facebook Comments