11 lugar sa NCR, nasa COVID-19 Alert Level 4 ng DOH

Inilagay ng Department of Health (DOH) ang 11 lungsod sa Metro Manila sa highest alert level dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 at hospital bed utilization.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga nasa Alert Level 4 ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.

Ang Alert Level 4 ay tumutukoy sa mga lugar na nasa moderate hanggang critical-risk na ang healthcare utilization rate na mas mataas sa 70%.


Maliban sa Metro Manila, nasa Alert Level 4 din ang mga sumusunod na rehiyon:

Cordillera Administrative Region
Region 1
Region 2
Region 3
Region 4A
Region 5
Region 6
Region 7
Region 8
Region 10
Region 12
Caraga

Ang Pilipinas ay maituturing na nasa high-risk COVID-19 matapos maitalang ang two-week case growth rate na 60%, Average Daily Attack Rate (ADAR) ay nasa 8.37 case per 100,000 population, healthcare utilization rate na 58.81%, at Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate na 68.08%.

Facebook Comments