May 11 milyong pamilyang Pilipino na ang nanatiling walang access sa malinis na tubig.
Ito ang inihayag ni Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board sa Laging Handa briefing.
Ayon pa sa opisyal, unsafe o hindi ligtas ang tubig na ito ng 11-M pamilyang Pilipinong dahil nanggagaling ito sa deep wells, bukal, ilog, lawa at tubig ulan.
Sa usapin naman aniya ng sanitasyon, marami pa ring Pilipino ang gumagawa ng open defecation o kung saan-saan lamang dumudumi.
Kaya naman ayon kay David makikiisa ang Pilipinas sa pagdiriwang ng World Water Day sa March 22 para mapalawak ang consciousness ng mga Pilipino sa kahalagahan ng tubig sa pang araw-araw na buhay.
Bukod dito dadalo rin ang mga representante ng ilang ahensya sa bansa sa United Nations Water Conference sa New York sa March 22 hanggang March 24 na pangungunahan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga.