11 milyong piso na buko de shabu, nakumpiska sa isang city jail sa Dumaguete

Dumaguete City, Philippines – Nagpositibo ang resulta ng laboratory sa hinihinalang illegal drugs na nahuli sa loob ng buko na dinadala mismo sa city jail ng Dumaguete.

Sa interview ng DYWC RMN kay PCI Pricel Arevalo city warden, aniya’y matapos nila na i-turn-over sa crime lab ang 4 na malaking plastic ng illegal drugs, nakumpirmang ito pala ay tunay na shabu at aabot ng 11 milyong piso ang balor nito.

Patuloy ngayon ang higpit ng security sa city jail upang ma monitor ang mga bumibisita sa mga inmates.


Habang sinubaybayan na rin ang mga suspeks na nag-deliver ng buko na may laman ng shabu ng nakalantad ang mga mukha nito sa CCTV camera ng city jail.

DZXL558

Facebook Comments