Isang lalaki, arestado sa isinagawang buy bust operation ng PNP sa Hermosa, Bataan

98

Bataan, Philippines – Arestado si Allan De Vera, 32 anyos, sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Tipo, Hermosa, Bataan nitong Martes ng umaga.

Sa report mula kay Police Senior Inspector Emelito Dela Cruz, hepe ng Hermosa PNP, tatlong sachet ng shabu at isang piraso ng 500 peso bill ang nakupiska sa suspek na isang konduktor ng jeep biyaheng Olongapo, Dinalupihan.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso laban sa nadakip.

DZXL558

Facebook Comments