Umaabot na sa labing isang mga bus ang nati-tiketan ng Metropolitan Manila Development Authority na lumalabag sa ipinatutupad na ban sa provincial buses na magbaba at magsakay ng pasahero sa edsa.
Sa interview ng media sa QC,sinabi ni MMDA Edsa Special Task Force Operations Chief Bong Nebrije, ito ay mula pa kaninang umaga sa pagsisimula nang panghuhuli sa mga bus violators kasabay ng isinasagawang dry run.
Mula ngayong araw na ito ay estrikto nang ipatutupad ng mmda ang bagong traffic scheme hanggang tuluyan nang alisin ang lahat ng mga terminal ng bus na nasa edsa.
Nagsisimula sa 500-piso ang multang babayaran ng mga bus companies na mahuhuling lalabag dito.
Facebook Comments