11% ng mga sasakyang sangkot sa banggaan sa kalsada, mga truck – PNP-HPG

Maraming truck ang nasasangkot sa iba’t-ibang aksidente sa kalsada sa unang walong buwan ng 2019.

Sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, mula Enero hanggang Agosto ay higit 1,600 o halos 11% ng mga sasakyang naaksidente ay mga truck.

Ibig sabihin nito, pitong truck ang naaaksidente sa kalsada kada araw sa buong bansa.


Para kay dating LTO Chairperson at Secretary General ng Global Road Safety Partnership na si Alberto Suansing, malaking ginagampanan ng isang driver sa kaligtasan sa kalsada.

Facebook Comments