11 opisyal ng PNP, ipinanawagang maghain na ng courtesy resignation

Nanawagan ang Police Cavaliers Association Inc. (PCAI) sa 11 opisyal ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa nagsusumite ng courtesy resignation na maghain na bago pa sumapit ang January 31 deadline.

Sa isang kalatas, sinabi ni PCAI President, Directorate for Information and Communications Technology Management Director Police Maj. General Valeriano de Leon na obligasyon ng lahat ng opisyal ng PNP na sumunod sa chain of command.

Ayon kay Maj. De Leon, kailangang tumalima ang mga ito bilang patunay ng kanilang moral ascendancy.


Dagdag pa nito, ipinakita na ng PNP chief at ng buong Command Group at ang leadership by example sa pagtugon sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos na bolunyaryong magbitiw sa pwesto, kaya walang dahilan para hindi tumalima ang iba.

Matatandaang tumanggi ang 11 opisyal na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil karamihan sa mga ito ay paretiro na ngayong unang quarter ng 2023.

Facebook Comments