11 pang lugar sa QC, naidagdag sa mga isinailalim sa lockdown

Labing isa pang lugar sa Quezon City ang isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCL) ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ito ay dahil sa tumaas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa isang lugar sa Interior Cotabato St., Brgy. Alicia, bahagi ng Ragang Street at Panalturan Street sa Brgy. Manresa, isang lugar sa Mabilis St., sa Brgy. Pinyahan, Mango Street sa Brgy. Commonwealth, isang building sa G. Araneta sa Brgy. Dona Imelda, Katuparan St., sa Brgy. Commonwealth, isang lugar sa Martinez St., sa Brgy. Obrero, isang lugar sa Road 20 sa Brgy. Bahay Toro, tatlong lugar sa Aguila St., Villa Village sa Brgy. Talipapa, isang lugar sa Sorsogon St., sa Brgy. Nayong Kaunlaran at isang lugar sa Silencio St. Brgy. Santol.

Ayon sa QC local government partikular na lugar lamang ang sakop ng special lockdown at hindi ng buong barangay.


Sinabi pa ng lokal na pamahalaan na patuloy nilang pinagkakalooban ng food packs at essential kits ang mga apektadong pamilya at isinasailalim din sila sa swab testing at mandatory 14 days quarantine.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang QC Local Government Unit (LGU) na sundin ang ipinatutupad na health and safety protocols upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 lalo’t may Delta variant.

Sa kasalukuyan ay nasa 48 lugar na sa lungsod ang isinasailalim sa SCL.

Facebook Comments