Aabot sa 11 ang nasawi habang 33 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos ang pananalasa ng isang bagyo sa Mexico.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng landslide o pagguho ng lupa at pagbaha sa ilang bahagi ng naturang bansa.
Dagdag pa, nagkaroon din ng rockfalls at mudslide o ang pagbagsak ng mga bato at pag ragasa ng mga putik mula sa kabundukan.
Kaugnay nito, agad namang namahagi ang Mexico government ng mga pagkain, inumin, damit at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Nag-deploy na rin ng mga tauhan sa lugar para magsagawa ng search and rescue operation sa pag-asang mahahanap pa ang ilang mga nawawalang biktima.
Facebook Comments