Philippine men’s floorball team, pasok na sa 2022 world championships

55

Pasok na ang Philippine men’s floorball team sa 2022 men’s world floorball championships na gaganapin sa Zurich, Switzerland mula November 5 hanggang 13.

Ito ay matapos talunin nila ang Australia sa iskor na 4-2 sa Asia Oceania Qualifying Tournament noong Huwebes ng hapon sa OCD Arena sa Singapore.

Itinanghal na “player of the match” si Philippine Team Captain Lucas Oijvall Perez matapos makapagtala ng 1 point at dalawang assist.


Habang, nakapagtala naman ng tig-isang puntos sina Melvin Mendoza at Kim Varga.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakapasok ang naturang koponan sa men’s world floorball championships.

Facebook Comments